Lunes, Disyembre 10, 2018

uma

LUMULUSOT ANG LIWANAG ng araw sa awang ng mga dahon, sa mga sanga ng asana at yakal. Na bumibitaw na sa pagkakapit sa bawat lupa’t tarik.

Gasinulid ang bawat silahis. Kaliwa’t kanan ang galaw. Tila naghahanap ng kumakawalang buhay- mga butong dahan-dahang nabibiyak at nanganganak ng mumunting dahon. Mga butong nagawang pakapitin ang ugat sa mamasa-masang lupa. At umilalim malayo sa mata ng nagngingitngit na araw. Naglalagablab. Gumagatong sa buong uma- mga palayang hitik sa ipa, mga kural at manukang ipot at tae na lamang ang naninirahan. Mga kubong itinayo mula sa anahaw, sawali, kawayan at tapang. Tanging abo’t alipato na lamang.

Sinalubong ng mga itim na usok na unti-unting umaakyat sa langit ang liwanag na nagsimula nang gumapang sa lupang kinukumutan ng abo at alipato.

Umakyat nang umakyat ang mga ito nang iniangat ng Habagat. Hanggang maipon at maging mga ulap. Hanggang maging makapal na ulap. Makapal na makapal na itim na ulap.

Gasinulid ang bawat liwanag, para bang malapit nang mapigtas. Kusang umuusad, pumapasok. Pilit sumisingit sa nagkakapalang ulap. Bagama’t tirik ang araw ay kulay-gabi ang lahat. Nagmamadaling umapak sa lupa ang mga patak ng ulan. Dinidiligan ang mukha ng isang marungis na manika. Pinupuno ang plangganang nawalan ng laman. Hinuhugasan ang mga itak na kinalawang na’t pumurol.

Sumasabay ang palakas nang palakas na mga bulong. Mga sipol. Mga huni. Mga halakhakang wala naman.

NAGDADABOG ang mga patak ng ulan sa iyong dibdib. Naghilamos sa iyong mukha. Unti-unti. Minamanhid ang kabuuan mo ng kirot at kislot. Bago pa man lamunin ang uma ng usok at dilim, agaran ka nang dumilat.

Huwebes, Oktubre 25, 2018

Alat

ANG MGA PISI’T BINGWIT

NAGSALA-SALAPID ang mga pisi’t bingwit ni Art. Kahit inunat niya na ang mga itong maging kasingtigas at kasing-unat ng alambreng ipinantuhog niya sa mga isdang una niyang nadale kanina. Muli niyang hinilot ang mga pisi, hiniwa-hiwalay ang mga sima ng bingwit upang muli itong magbitawan sa pagkakapit. Gaya ng kung paano pinagagawa ito sa kanya ng nasirang ama.
Bahagya niyang ibinabaon sa nakatayong prowa ng nilulunarang bangka ang mga natanggal na bingwit para maihanda na sa sunod na pamimingwit nang may gumapang na ugong papalapit. Pamilyar na tunog ng bangkang de-motor. Sinaliwan ng banayad na himig ng Habagat.
Tumayo’t tumanghod si Art. Sinipat ang pigura ng paparating. Hanggang lumapit ang bangka sa gawing puwitan ng bangka ni Art. Lumiwanag ang mukha ng bagong dating.
Si Ram. Ang kakiskisang-balat niya noong maliliit pa sila. Kasabay na sumisisid sa mga bahagharing korales. Kasabay sa pamimingwit. Kasabay na binabraso ang mga hamon ng buhay.
HINAYAANG NAKABUHOL ni Art ang hawak-hawak na mga pisi’t bingwit. Habang dinugtong ng kanyang tingin ang tingin ng dumating. Hanggang pati ang kanilang tingin ay magsanib. At tulad ng kanyang pinanghahawakan, magsala-salapid.

HASANG
MINUTO LANG ang pagtanggal ng hasang para kay Leslie.
Mula sa tamban hanggang sa dambuhalang tuna, walang kagatol-gatol. Kinakamay lang niya ang maliliit na hasang. Pina-plais ang malalaki, iniipit at pinipilit bago hilahin.
Sa pagkakataong nangingisay pa ang mga isda, dahan-dahan ang pagtanggal. Kadalasan kasing sumisirit ang dugo’t sumasabog ang lansa sa buong palengke kapag biglaang tinatanggalan ng lamang-loob.
Batikan na ang mga kalyuhing daliri ni Leslie. Kayang-kayang kalikutin lahat na uri ng isda, linisan ng tiyan at hilahan ng hasang.
Ngunit magkaganon man, panaka-naka pa rin siyang nasusugatan. May mga hasang kasing may tinik at talaga namang nakasusugat. Nakatutusok. Nanghihiwa ng balat.
Paalala nito ang mumunti niyang hiwa sa kamay sa katatapos na danas. Maliliit pero malalim. Sumasabit, nananariwa ng mga naunang hapdi’t sakit. Ngunit wala na yatang mas sasakit pa sa mga huling salita ni Emma, ang katabi niya sa pwesto sa talipapa.
“Umuwi na si Ben. Sorry Babe. Hanggang dito na lang talaga tayo.” Mistulang tumarak na mga kutsilyo ang mga salita.
Inilalagay ni Leslie ang mga hasang sa basurahan nang may dumating.
“Bakante ba ang pwestong ‘yan?” usisa ng babae sabay nguso sa patlang na espasyong katabi ni Leslie.
GUMUHIT ANG NGITI sa kanyang mga labi.

TIMONEL
SUMAMBULAT ang langis mula sa makinang inaayos ni Mang Berting. Kahit anong pilit at pihit niya sa mga mahawakang balbula, hindi pa rin tumigil sa pagsirit ng langis ang makina.
Naalala niya noong unang beses na magtimon siya. Namatayan siya noon ng makina’t ilang beses na pumalahaw sa gitna ng sukal ng dagat. Tila inaasar pa siya ng Dumagsa sa pagsipol nito.
Parusa sa kanya ng mga magulang dahil sa pag-amin na hindi siya kagaya ng mga kapatid niyang brusko at habambuhay na nagyayabangan kung ilang pekpek na ang nabingwit.
“Para maging tunay kang lalake!” magkasabayang sabi ng kanyang mga magulang. At mga kapatid.
Inaral niya ang bawat galaw ng mga alon. Ang tahak ng bangka sa iba’t-ibang ihip ng mga hangin. Hanggang sa matuto siyang gumaod, humagod at dumaong. Sa gitna ng mga makikipot o maluluwang na bakawan- tagpuan ng tabang at alat kung saan dumadaong ang mga mangingisda. Sa tabsing na tubigan sa gitna ng kanilang isla, natuto siyang dumaong tuwing pagkati.
Tumikas siya, lumaki ang mga kalamnan sa paggaod at pamamangka. Tumikim ng laksang uri ng kabibe’t isda.
NGUNIT BAKIT tulad ngayon, patuloy niya pa ring pinupulot ang nagkalat na sariling turnilyo’t piyesang nagkandaluwag-luwag ng maling paghihigpit.
div class="separaator" style="clear: both; text-align: center;">

Miyerkules, Setyembre 12, 2018

Pamuon

Tinaraytay niya an mga gamaw asin mga ilaw bago sinaru-sarong hinulog ang mga ini sa dagat. Muklat an mga linya nin mga lungso, bigaliwanagan nin mga ilaw kun pano bigapaliwanag ang mga panganod nin mga bararag-barag na bituon ngonyan na banggi. Sa tahaw nin lawod, bigaukag ang saiyang daghan: maagom na si Lito, masaro na ki Ditas. Ang anom na taon ming ibahan kaiba na sa mga aanudon nin bulos nin mga pangyari.
Tinahuban nin mga pungko nin dagat ang mga ilaw na palataw, kirisi-kisi nin kidlat ang nagtapok sa saiyang panghiling. Ang mga panganod saru-sarong hinalon ang bituon. Sa tahaw nin lawod, nahiling niya ang makolor na bulalangiw na gapatos sa baruto na saiyang nalunadan.