ANG
MGA PISI’T BINGWIT
NAGSALA-SALAPID ang mga pisi’t bingwit ni Art. Kahit
inunat niya na ang mga itong maging kasingtigas at kasing-unat ng alambreng
ipinantuhog niya sa mga isdang una niyang nadale kanina. Muli niyang hinilot
ang mga pisi, hiniwa-hiwalay ang mga sima ng bingwit upang muli itong
magbitawan sa pagkakapit. Gaya ng kung paano pinagagawa ito sa kanya ng
nasirang ama.
Bahagya
niyang ibinabaon sa nakatayong prowa ng nilulunarang bangka ang mga natanggal
na bingwit para maihanda na sa sunod na pamimingwit nang may gumapang na ugong papalapit.
Pamilyar na tunog ng bangkang de-motor. Sinaliwan ng banayad na himig ng
Habagat.
Tumayo’t
tumanghod si Art. Sinipat ang pigura ng paparating. Hanggang lumapit ang bangka
sa gawing puwitan ng bangka ni Art. Lumiwanag ang mukha ng bagong dating.
Si
Ram. Ang kakiskisang-balat niya noong maliliit pa sila. Kasabay na sumisisid sa
mga bahagharing korales. Kasabay sa pamimingwit. Kasabay na binabraso ang mga
hamon ng buhay.
HINAYAANG NAKABUHOL ni Art ang hawak-hawak na mga
pisi’t bingwit. Habang dinugtong ng kanyang tingin ang tingin ng dumating.
Hanggang pati ang kanilang tingin ay magsanib. At tulad ng kanyang
pinanghahawakan, magsala-salapid.
HASANG
MINUTO LANG ang pagtanggal ng hasang para kay
Leslie.
Mula sa tamban hanggang sa dambuhalang
tuna, walang kagatol-gatol. Kinakamay lang niya ang maliliit na hasang. Pina-plais
ang malalaki, iniipit at pinipilit bago hilahin.
Sa pagkakataong nangingisay pa
ang mga isda, dahan-dahan ang pagtanggal. Kadalasan kasing sumisirit ang dugo’t
sumasabog ang lansa sa buong palengke kapag biglaang tinatanggalan ng lamang-loob.
Batikan na ang mga kalyuhing
daliri ni Leslie. Kayang-kayang kalikutin lahat na uri ng isda, linisan ng
tiyan at hilahan ng hasang.
Ngunit magkaganon man,
panaka-naka pa rin siyang nasusugatan. May mga hasang kasing may tinik at
talaga namang nakasusugat. Nakatutusok. Nanghihiwa ng balat.
Paalala
nito ang mumunti niyang hiwa sa kamay sa katatapos na danas. Maliliit pero
malalim. Sumasabit, nananariwa ng mga naunang hapdi’t sakit. Ngunit wala na
yatang mas sasakit pa sa mga huling salita ni Emma, ang katabi niya sa pwesto
sa talipapa.
“Umuwi
na si Ben. Sorry Babe. Hanggang dito na lang talaga tayo.” Mistulang tumarak na
mga kutsilyo ang mga salita.
Inilalagay
ni Leslie ang mga hasang sa basurahan nang may dumating.
“Bakante ba ang pwestong ‘yan?”
usisa ng babae sabay nguso sa patlang na espasyong katabi ni Leslie.
GUMUHIT ANG NGITI sa kanyang mga labi.
TIMONEL
SUMAMBULAT ang langis mula sa makinang inaayos
ni Mang Berting. Kahit anong pilit at pihit niya sa mga mahawakang balbula,
hindi pa rin tumigil sa pagsirit ng langis ang makina.
Naalala
niya noong unang beses na magtimon siya. Namatayan siya noon ng makina’t ilang
beses na pumalahaw sa gitna ng sukal ng dagat. Tila inaasar pa siya ng Dumagsa
sa pagsipol nito.
Parusa
sa kanya ng mga magulang dahil sa pag-amin na hindi siya kagaya ng mga kapatid
niyang brusko at habambuhay na nagyayabangan kung ilang pekpek na ang nabingwit.
“Para
maging tunay kang lalake!” magkasabayang sabi ng kanyang mga magulang. At mga
kapatid.
Inaral
niya ang bawat galaw ng mga alon. Ang tahak ng bangka sa iba’t-ibang ihip ng
mga hangin. Hanggang sa matuto siyang gumaod, humagod at dumaong. Sa gitna ng
mga makikipot o maluluwang na bakawan- tagpuan ng tabang at alat kung saan
dumadaong ang mga mangingisda. Sa tabsing na tubigan sa gitna ng kanilang isla,
natuto siyang dumaong tuwing pagkati.
Tumikas
siya, lumaki ang mga kalamnan sa paggaod at pamamangka. Tumikim ng laksang uri
ng kabibe’t isda.
NGUNIT BAKIT tulad ngayon, patuloy niya pa ring
pinupulot ang nagkalat na sariling turnilyo’t piyesang nagkandaluwag-luwag ng
maling paghihigpit.
div class="separaator" style="clear: both; text-align: center;">

div class="separaator" style="clear: both; text-align: center;">
<a href="https://www.dmcihomes.

<a href="http://culturalcenter.

<a href="https://www.facebook.